Mahal ang gas?! Mag register na sa toktokgo para sa ₱500 daily fuel subsidy

Article / April 19, 2022

"Aray kooo po! Ang mahal ng gas!" Karaniwang reklamo ng mga public utility drivers sa panahon ngayon.

Hindi pa man tapos ang pandemya, isa pang hadlang ang tumama sa kanila ang dinulot ng pataas ng presyo ng petrolyo dahil sa tension sa Ukraine at Russia, Ngunit huwag kang mawalan ng pag-asa, dahil andito na si toktokgo ang pinaka bagong ride-hailing app ang magbibigay ng ginhawa sa ating mga driver.

Ang toktok, ay isang Pinoy superapp, na ngayon ay nag-venture na rin sa Technology- and app-based transport network vehicle service o TNVS, ito ang toktokgo.

Ang mga bagong TNVS operator na mag register sa https://go.toktok.ph/be-our-driver ay magkakaroon ng pagkakataong kumita ng ₱500 araw-araw na subsidy sa gasolina.

Ang unang 1,000 driver na mag-enroll at makakumpleto ng hindi bababa sa limang booking transaction kada araw ay makakatanggap ng libreng ₱500 pesos pang gasolina araw-araw sa pamamagitan ng toktokwallet.

Bukod sa pagrehistro ng iyong sasakyan at driver, kinakailangang i-download ang toktok app at i-activate ang iyong toktokwallet. Sa ganoong paraan, ang iyong ₱500 na fuel subsidy ay malalagay sa fully-verified na toktokwallet account ng driver sa susunod na araw.

"Start driving and earning. Be a part of our growing community of toktokgo drivers! There is no other deal in the market as enticing and pro-business partners as we offer," ani toktok President and CEO Jonathan So.

"Our goal is to build a business and a means of livelihood for our partner drivers fueled by a desire to provide Pinoy world-class service to our customers," sabi naman ni toktok Vice-president Carl Macadangdang.

Kung ikaw ay isang indibidwal na mayroong sasakyan at nais mong kumita, bakit toktokgo ang iyong pipiliin? Ang sagot ay napakasimple. Dahil sa toktokgo maraming benepisyo. Una, ikaw ang sariling mong boss, ikalawa, nasa iyo ang kontrol ng iyong business dahil ikaw ang magsasabing kung kailan at saan ka bibiyahe.

Ang toktokgo ay magbibigay ng hanapbuhay at pagkakakitaan ngayong nahaharap tayo sa pandemya. Agarang idedeposito nito ang iyong mga kita sa bawat booking. Maaari mo ring makita ang impormasyon sa iyong mga naging biyahe sa pamamagitan ng dashboard sa loob ng app.

Mas marami rin ang vehicle na pagpipilian para sa TNVS partner dahil ang toktokgo ay may malawak na seleksyon ng mga sasakyan na maari mong rehistro mula sa mga sasakyan gaya ng sedan hanggang sa malalaking MPV.

At higit sa lahat, pinahahalagahan ng toktokgo ang mga kasosyo nito sa negosyo dahil nagbibigay ito ng suporta sa driver na handang tumulong sa iyo araw-araw. Maaari mo ring tingnan ang kanilang Help Center para sa mga katanungan.

Ang ₱500 daily fuel subsidy promo ay tatakbo mula Abril 18 hanggang Mayo 17, 2022.

mahal ang gas sub photo